Vol. 18 (2024): CNU-JHE
Articles

Wikang Filipino: Wikang Mapagbangon

Maria Fe Hicana
PNU

Published 03-06-2024

Keywords

  • wikang mapagbangon,
  • praxis,
  • epistimolohiya

Abstract

Ang papel na ito ay binasa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ng Komisyon sa Wikang Filipino noong 2023. Minodipika ang ilang bahagi upang umayon sa pormat ng Sourcebook. Sa bahaging ito, dinalumat sa pamamagitan ng analohiya ang estado ng wikang Filipino mula simula hanggang sa pagbangon pagkatapos ng pandemya sa apat na dimensiyon: politikal, kultural, sosyal, at sikolohikal. Ukol sa kaliwanagan ng wikang Filipino, inilahad ang epistemolohiyang kalikasan nito sa ikalawang bahagi ng papel. Binalangkas ang talakay sa pamamagitan ng tatsulok at pinatungan ng baligtad na tatsulok. Inilatag ang limang premise: (1) Wika bilang Instrumento at Pamamahagi ng Kaalaman, (2) Pagsusuri at Interpretasyon, (3) Konstruksyon ng Katotohanan, (4) Pag-usbong ng Diskurso, at (5) Sosyal na Konteksto. Panghuli, ay dinalumat ang praksis (praxis) ng wikang Filipino bilang wikang mapagbangon sa bagong kadawyan. Tinahip ang dalawang praksis. Una, binigyang-diin ang husay ng wika ay nasa taong gumagamit nito. Sumunod, ang wika ay may katutubong kakayahan. Sa madaling salita, ang kalayaan ng ating wika ay nakasalalay sa ating mga taong gumagamit. Sa pamitawan ng papel na ito, nilagom ang wikang Filipino bilang isang wikang mapagbangon na nagdaan sa mga hamon ng kasaysayan at patuloy na lumalago. Isang malaking patunay nating mga Pilipino na ang ating lakas at katatagan ay hindi matitinag lalo na sa pagmamahal sa ating kultura at pagkakakilanlan. Bilang panawagan, maniwala sana tayo na sa pagkilala at pagsasabuhay sa kapangyarihan ng ating wikang pambansa ay pinapahalagahan natin ang mayamang kasaysayan ng ating bansa.

References

  1. Abeleda, K. 2009. Ang Wikang Filipino sa Kasalukuyan: Tungkulin at Suliranin. http://wikanatinngaun.blogspot.com/2009_07_01_archive.html
  2. http://matanglawin02.tripod.com/isyu06/pitik_filipino.htm
  3. Castro, N. 2020. Ang Wika Bilang Salamin ng Kultura. Panayam. https://www.youtube.com/watch?v=ytjwWQ02h8Q
  4. Labór, K. 2016. Isang Sariling Wikang Filipino. Mga Babasahín sa Kasaysayan ng Filipino. Sourcebook. Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining at Komisyon sa Wikang Filipino. Aklat ng Bayan.
  5. Pineda, P. 1997. Ang Wikang Filipino sa Information Age: Mga Panayam ni Ponciano B.P. Pineda. Pamplet sa KWF.
  6. Tolentino, R. 2020. Kapangyarihan at Wika ng Kulturang Popular sa Pandemiko. Panayam
  7. UP Department of Linguistics. #LexiCOVID. 2020.
  8. https://linguistics.upd.edu.ph/lexicovid-the-language-of-the-pandemic/